Sigaw ng Kababaihan: Secular Advocacy Group Stages “Bloody” Protest for Women’s Rights

“Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!” (Enough! Priests should not interfere with our private parts!)

This was the call of the Filipino Freethinkers today at a protest program staged in front of St. Peter Parish in line with International Women’s Day. (Learn more about the other events of the day here.) Garbed in clothes drenched in fake blood, performers representing the 11 women who die daily from lack of access to reproductive health services called for the end of church interference in matters of women’s and reproductive rights, and the immediate passage of the Reproductive Health Bill into law.

The organization joined thousands of women at the mobilization with the theme of “Marching for RH, Marching for Life!” They called on lawmakers to hasten the passage of the Reproductive Health Bill, which is currently pending in the House of Representative.

The protagonists of the program cited instances of bigotry, discrimination, and deceit by the Roman Catholic Church in the Philippines towards women, specifically with regards to the reproductive health rights. One antagonist was dressed as a bishop, representing the CBCP and pro-life groups; another was dressed as a politician, representing the politicians who pander to and obey the CBCP.

“The Catholic Church has been oppressing women from the start,” said Red Tani, president of the Filipino Freethinkers. “In the Old Testament, they were raped and enslaved, treated as nothing more than a man’s property. In the New Testament, they were kept in submission to their husbands and fathers, forbidden to speak, learn, or hold positions of authority. These oppressive teachings and practices have continued throughout the centuries, initiated by ignorant bigots and perpetuated by celibate bishops.”

Below is the script of the play. It was written by Dustin Celestino and Kristine Chan.

***

SCENE 1

Bishop is on pulpit telling 11 women what to do.

BISHOP: Tayo! Luhod! Talikod! Higa! Higa! Tayo! Luhod! Talikod! Talon! Hahahaha!

They women are shackled by rosaries. One woman starts to get fed up and decides to complain. BISHOP keeps making commands and WOMAN starts shaking her head.

MAIN WOMAN: Ayoko na!

BISHOP: Luhod! Tayo! Talikod! Higa! Tayo!

MAIN WOMAN: Ayoko na!

MAIN WOMAN goes up the pulpit and starts to rally the 10 other women.

MAIN WOMAN: Sawang sawa na ako… Sawang sawa na ako sa paninisi, pangaapi, at pangaalipin sa mga kababaihan ng simbahang katoliko. Mula pa sa alamat ni Eba at Adan, babae na raw ang may kasalanan. Babae ang ipinalabas na siyang dahilan sa pagpapalayas ng mag-asawa mula sa paraiso at sa pagpaparusa at pagpapahirap sa sankatauhan. Sawang sawa na ako.

BISHOP: Luhod! Tayo! Talikod! Tuwad!

MAIN WOMAN: Ayoko na! [to Bishops] Hindi niyo ba ako naririnig? Sawang sawa na ako sa pagbabaliwala sa boses ng kababaihan. [to Women] Kayo? Hindi pa ba kayo nagsasawa? Kailangan yata sabay sabay pa tayong sumigaw at magreklamo para marinig tayo. Manindigan tayo para sa mga kababaihang inapi, inalipin, at inalipusta!

BISHOP: Luhod! Tayo! Talikod! Tuwad!

10 women shake their heads.

SCENE 2

MAIN WOMAN: [To Bishop] “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!” Itigil niyo na ang pagtrato sa amin na parang mga kagamitan at pagmamayari ninyong mga kalalakihan! Sigaw ng kababaihan!

OTHER WOMEN: “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!”

WOMAN: Noong unang panahon, ipinagbawal ng simbahan ang pag-aaral ng kababaihan. At hanggang ngayon kung anu-ano ang ipinagbabawal na maaaring makapagpabuti ng kalagayan ng kababaihan – tulad na lamang ng RH bill. Sigaw ng mga kababaihan!

OTHER WOMEN: “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!”

WOMAN: Noong 1692 ilang kababaihan ang pinatay at pinahirapan ng mga tauhan ng simbahan sa bintang na pangungulam – mga bintang na walang katibayan. Ngayon, kung anu-anong bintang ang ibinabato sa mga inang piniling ipagtanggol ang sariling katawan sa delikadong pagbubuntis sa pamamagitan ng pag-gamit ng pills. Sigaw ng mga kababaihan!

OTHER WOMEN: “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!”

WOMAN: Ipinagbawal ng simbahan maging pari ang mga kababaihan. Parang sinasabi na di pantay ang halaga ng mga lalaki at babae. Hanggang ngayon, wagi pa rin sa mata ng simbahan ang opinyon at boses ng kalalakihan. Mga lalaki pa rin ang nagdedesisyon, mga pari, kung ano ang nararapat sa katawan ng mga babae. Sigaw ng kababaihan!

OTHER WOMEN: “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!”

WOMAN: Maraming madre sa mundo, lalo na sa AFRICA, ang ginagahasa ng mga mismong pari para makaiwas ang mga hayop na ‘to sa AIDS. At hanggang sa Pilipinas, babae pa rin ang tumatanggap ng ganitong abuso. Gayunpaman, patuloy pa rin ang simbahan sa pagbabawal ng mga kontraseptibong maaaring makapagligtas ng buhay ng maraming kababaihan. Sigaw ng kababaihan!

OTHER WOMEN: “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!”

WOMAN: Maraming babae sa mundo ang itinakwil ng simbahan dahil sa kanilang pagpapalaglag para sagipin ang sariling buhay. Para sa simbahan, mas importante pa ang buhay na walang malay kesa sa buhay ng isang babae. Sigaw ng kababaihan!

OTHER WOMEN: “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!”

WOMAN: Patuloy pa rin hanggang ngayon ang pagsisiwalat ng kasinungalingan tungkol sa mga kontraseptibong maaaring makapagligtas sa buhay ng maraming kababaihan. Sigaw ng kababaihan!

OTHER WOMEN: “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!”

WOMAN: Wala kayong paki… Sa aming mga puke.

SCENE 3

Bishop stands from seat and starts laughing. Evil laughter echoes. Bishop walks around with congressman on leash. Bishop walks around woman and congressman crawls like a dog and threatens the woman.

BISHOP [to congressman]: Tama na daw? Hahahahaha! Anong tama na! Ito ang tama!

BISHOP: Kami ang masusunod kung ano ang mali’t tama, kaming magdidikta ng inyong mga kunsensiya. Kapag pinayagan gumamit ng mga condom ang mga tao, mas lalo silang lilibog at magiging masama.

CONGRESSMAN: TAMA! [Howls like a dog]

One woman falls dead…

BISHOP: Maraming rin sakit ang maaaring makuha sa paggamit ng condom – tulad ng kanser. May butas ang condom na maaaring lusutan ng HIV virus kaya’t hindi naman talaga ito nakakatulong sa pag-protekta sa mga STD. Ang totoo nga niyan, mas lalong kumakalat ang HIV at AIDS dahil sa mga condom!

CONGRESSMAN: TAMA! [Howls like a dog]

TWO WOMEN: TAMA NA!

Two women fall dead…

BISHOP: Hindi dapat turuan tungkol sa sex at sa sariling katawan ang kabataan. Bukod diyan, dapat hayaang mamatay ang mga inang may komplikasyong dahil mas mahalaga ang buhay ng isang fetus. Hindi rin dapat mag isip para sa sarili ang mga babae. Dapat mga paring lalaki ang magisip at magdesisyon para sa kanila.

CONGESSMAN: TAMA! [Howls like a dog]

THREE WOMEN: TAMA NA!

Three women fall dead…

BISHOP:Ang hindi sumunod sa payo at turo ng mga pari ay hindi tunay na katoliko. Ang sumuporta sa RH bill ay hindi tunay na katoliko. Ang gumamit ng condom at pills para magplano ng pamilya ay mapupunta sa impyerno!

CONGRESSMAN: TAMA! [Howls like a dog]

FOUR WOMEN: TAMA NA!

Four women fall dead…

BISHOP: Ang gobyerno ay hindi dapat makinig sa hinaing ng mamamayan o kababaihan; dapat simbahan ang kanilang pakinggan. Ang simbahan ay ni minsan hindi nagkakamali sa kahit anong bagay. Sa kahit anong debate o kontrobersiya sila ang nagwawagi sa huli.

CONGRESSMAN: TAMA! [Howls like a dog]

MAIN WOMAN: TAMA NA!

MAIN WOMAN falls dead…

AFTER 1 MINUTE…

OTHER WOMEN: “Tama na! Di dapat makialam ang pari, sa aming mga ari!”

11 women get up with bloody tummies.

NARRATOR: Labing-isang babae ang namamatay araw-araw dahil sa mga kumplikasyong dala ng pagbubuntis, panganganak, at di tamang kaalaman ukol sa kalusugan. Wag nating hayaan ang ganitong kapabayaan sa kalusugan ng mga kababaihan. Ipasa na ang RH Bill! Di dapat makialam ang pari sa aming mga ari.

3 comments

  1. karamihan sa mga nuns sa italy ay mga pilipina. pilipinas na lang ang halos pinagkuikunan nila ng maraming madre. gising na mga kapwa ko pilipino at pilipina. ang pulitika sa pilipinas ay pulitika ng relihiyon ng katoliko at protestante

  2. It's a long shot, but getting this to the international community and NGOs with Gender Desks around the world might be the force needed to keep our Porsche Noynoy from succumbing to the Church like his mother did.

Leave a reply

Please enter your comment!
Please enter your name here