-Ano ka ba naman anak, tingnan mo nga yang suot mo.
–Si Mama talaga, ako na naman ang nakita.
-Hay naku Judith, paano ba namang…
—Hindi ka makikita ni Nanay, eh halos makita na ang kaluluwa mo dyan sa suot mo? Mano po, nay.
-Kaawaan ka ng Diyos. John, samahan mo nga itong kapatid mong…
–MA! Ayokong kasama yan!
-At bakit hindi…
–MA!
-…matagal na ring di mo nakakasama ang kuya mong…
—Nay wag na. Alam niyo namang di na ako nagpupunta dun eh. Naaasar lang ako sa mga tao dun. Puro mga ipokrito.
–Kita niyo na Ma, wala ng pag-asa yang si kuya. Weird and…
—Anlakas naman ng amoy ng pabango mo, ansangsang.
–Masangsang ka diyan. Kaw nga tong amoy pawis kakabasketbol.
-John, magpunas ka na anak at magbihis tapos samahan mo itong kapatid mong…
–MA! —Nay!
-Sya sya. Judith, palitan mo nga yang damit mo…
–Si Mama talaga old-fashioned. Iba na ang panahon ngayon.
—Oo nga Nay. Paano nga naman magpapaligaw yang si Judith kung hindi siya maliligo ng pabango at magpapakita ng laman?
–Eeew!
-Susmaryosep John! Galangin mo naman ang kapatid mo!
—Respect is paid only where it is due.
–Paingles-ingles ka pang nalalaman dyan. UP ka nga di naman nakagraduate.
—Kung gusto mong galangin kita, galangin mo muna ang sarili mo.
-Tama na yan magkapikunan pa kayo. Judith, anak, magpalit ka na…
–MA! Anong oras na! Gusto niyo bang malate ako?
-Hay. Bahala nga kayo sa buhay niyo. John, magpalit ka na ng damit at baka magkasakit ka.
—Opo Nay.
-Judith, mag-iingat ka. At yung pinapabili ko, wag mong kakalimutan.
–Yes Ma. Tatlong tali ng Sampaguita.
.
.
.
–Sige Ma, magsisimba na ako.
[…] Iba na ang Panahon Ngayon […]
totoong nag bago na ang panhon ngayon, mg KbTAAN IBA NA UGALI KESA noon
😀