Know Their Stand: Dick Gordon, Senatorial Candidate

dickgordonElections are coming. If you are a voter, you should know who you are voting for and where they stand, especially when it comes to issues of secularism. Here are senatorial candidate Dick Gordons responses on nine important issues, based on GMA News’ Mga Isyu ng Bayan.

 

Reproductive Health – AGAINST

“It’s a non-issue, it’s a cop-out. Because kailangang bigyan mo ng kalidad ang populasyon ng ating bayan. A big population can be… malaking bagay ‘yan kung matalino at maayos at tama ang edad.Bakit ka matatakot sa malaking populasyon? Natatakot ang mga politiko natin na ‘di nila kayang bigyan ng tamang aksyon ang ating edukasyon. Hindi nila kayang hanapan ng trabaho ang mga kababayan [natin] dito sa ating bansa.”

 

Sin Tax – FOR

“I would’ve voted [for it], but not as much, because ang iniisip ko, paano naman ‘yung mga nagtitinda ng tobacco sa ating bansa? ‘Wag naman nating biglain na mawawalan ng hanapbuhay. So dapat dahan-dahan, hinay-hinay. Ihanda mo ‘yung taong mawawalan.”

 

Cybercrime – AGAINST

“Ah, hindi puwede sa akin [‘yung nakapasang version]. Mali ‘yung ginawa nila na dinagdagan pa nila ng mas mataas pa sa libel. Makakapanghimasok sila sa computer ko nang hindi nila namamalayan, maba-block nila, walang silang search warrant, mabubuksan nila? Mali ‘yon, ‘di papasa sa akin ‘yon. Pero i-aamend ko. Tama ‘yung cybercrime [law], ‘yung intention — ’wag mong gamitin sa kalokohan [ang Internet], ‘wag mong i-hack [ang computers, accounts] para yumaman ka—pero ‘wag namang i-penalize [‘yung libel].”

 

Freedom of Information – FOR

“Co-author ako niyan noong ako’y nasa Senado.”

 

Anti-Political Dynasty – AGAINST

“Kalokohan naman ‘yan. Kung may anak kang magaling — abugado ka, mag-aabugado ‘yon; doktor ka, magdodoktor ‘yon. ‘Yung sa doktor, ikaw ang pipili, ‘di ba? ‘Yung sa politiko, sinong gumagawa ng desisyon? ‘Di ba ang tao? Ang dynasty, kapag in position na ‘yan, masyado ka nang powerful, tinatakot mo na ‘yung tao. Pero hindi crime ‘yung magkaroon ka ng anak na gustong mamulitika. I would ask for the definition of [political dynasty] first.”

 

Divorce – FOR

“Yes, [dahil] mayroong mga marriages na talagang wala nang magagawa, makakasakit pa sa pamilya. Pero hindi ko gagawing madaling-madali na nagso-snore lang ‘yung lalaki o babae, ‘Mag-divorce na tayo.’ Ang pamilya pa rin ang haligi ng ating lipunan. ‘Pag pinahina mo ‘yan, walang kuwenta na ang bayan.”

 

Death Penalty – AGAINST

“I’m against that. Delikado, kawawa ang mahirap. Ako, napatayan ako ng tatay, napatayan ako ng pamangkin. Pero ididiin ‘yung mahirap? Walang abugado? ‘Di nag-iimbestiga properly? Walang crime science? Mabuti pa ‘yung nasa [kulungan]: may laban pa siya kung siya’y inosente. Kung siya’y nagkamali, mas masarap magdusa nang gano’n—buhay ka pero ‘di ka makalabas, nahihirapan ang pamilya mo dahil sa kalokohan mo? ‘Yon ang deterrents.”

 

Same-Sex Marriage – AGAINST

“Malayo ‘yan. Tayo’y ginawa ng Diyos na [ang] pag-aasawa [ay] para magkaroon ka ng anak, procreation, para magkaroon ka ng happiness. Kung para sa happiness lang, ‘wag na kayong magpakasal. Kung dalawa kayong lalaki, dalawa kayong babae, gusto n’yong magsama, puwede naman. So bakit kailangang magpakasal pa?”

 

Total Gun Ban – AGAINST

“Alam mo kalokohan ‘yan e. Tingnan mo ‘yang gun ban sa eleksyon, kalokohan yan. Meron nang ibinigay na otoridad ang pulis na nagbibigay ng baril. Pairalin lang yon, at dagdagan natin ang penalty—pagka ang taong may baril ay lehitimo, ‘pag mali ang paggamit, one degree higher ang penalty. Pagka-illegal possession of firearms, todo na ang [penalty].”

 

***

 

politi-koWho among the 33 senatorial candidates matches your views best? Politi-ko.com can help you find out. (From the makers of Rollcall.ph)

Leave a reply

Please enter your comment!
Please enter your name here