Know Their Stand: Chiz Escudero, Senatorial Candidate

teampnoy-thumb400-escuderoElections are coming. If you are a voter, you should know who you are voting for and where they stand, especially when it comes to issues of secularism. Here are senatorial candidate Chiz Escuderos responses on nine important issues, based on GMA News’ Mga Isyu ng Bayan.

 

Reproductive Health – FOR

“It gives the right to not only women but families to decide for themselves what they want at inaassitan sila ng gobyerno para malaman what’s out there at kung ano ang mga options nila.”

 

Sin Tax – AGAINST

“Una, one of the most heavily taxed na ang mga Pilipino sa mundo. Pangalawa, kung talagang health ang concern nila dahil masama daw sa katawan yan, eh ‘di sana parang marijuana or cocaine pagbawal na lang nila, hindi ‘yung pagkakakitaan pa nila. Pangatlo, kahit taasan mo ang buwis, lilipat lamang sa mas murang brand ang umiinom o nagsisigarilyo. Pang-apat, kung talagang gusto nilang ipagbawal o bawasan ang nagsisigarilyo sa mga bata, ipatupad nila ‘yung batas na nagsasabing bawal magbenta ng sigarilyo at alak sa mga bata na hanggang ngayon ay wala pang nahuhuli at nakakasuhan o pag-aralan nila yung pagbebenta ng tingi sa Pilipinas dahil sa Pilipinas lamang nagbebenta ng tinging sigarilyo kung saan mas madaling magsimulang magsigarilyo ang mga bata kumpara kung by the pack binebenta ito.”

 

Cybercrime – FOR

“Bumoto ako pabor do’n pero ‘di ko nakita, inamin ko naman noon, ‘yung provision sa libel. Maliwanag na against ako doon dahil isa ako sa mga authors ng decriminalization ng libel dito sa Senado. Maliban doon, pabor ako sa Cybercrime law.”

 

Freedom of Information – FOR

“Unanimous na binotohan ‘yun dito sa Senado. Simple ang rason sa likod ng FOI, anumang bawal, masama o iligal, hindi mo gagawin kapag may ilaw at camera. Karamihan ng bawal at iligal, ‘di ba ginagawa sa dilim? Layunin ng FOI lagyan ng ilaw, ilagay sa camera lahat ng gawain at transaksyonng pamahalaan para sana mabawasan o maiwasan ang mali, bawal, at iligal na gawain.”

 

Anti-Political Dynasty – AGAINST

“Ang balak ko diyan ay mag-inhibit at ‘di magparticipate, dahil baka sabihin may personal akong interes sa bagay na ‘yan. But personally, ang mga most advanced democracies sa mundo, ang Amerika, UK, wala silang anti-dynasty provision kahit anak, asawa, kapatid, kapitbahay, hindi kaano-ano ng dating nakaupo ‘yung tumakbo, desisyon ng botante at malaya silang pwedeng mamili kung sino ang gusto nila dahil may tiwala sila sa botante, hindi nila bine-baby ‘yung botante nila. Kailan pa matututo ang ating mga kababayan kung palagi nating bine-baby ang pagpili nila ng mga magiging leader nila?”

 

Divorce – AGAINST

“Hindi ako pabor dahil sa tingin ko hindi napapanahon. Mas gusto ko gawing affordable at accesible ang annulment. Halimbawa, hindi na nga kailangan ng batas, payagan o iauthorize ang PAO na maghandle ng annulment cases, magbigay ng mga psychologist ang DOH o ang DSWD para libreng makapagbigay ng expert opinion kaugnay sa mga kasong tulad niyan.”

 

Death Penalty – AGAINST

“Isa ako sa mga bumoto para alisin ang death penalty sa batas natin. Nananatiling ganun ang posisyon ko, hindi dapat ibalik ‘yan… Ang daming wanted na hindi naman nahuhuli, kahit gaano kabigat ‘yung parusa balewala din ‘yun. Pangalawa, hindi pa perpekto ‘yung justice system. Sa kasaysayan ng pagpapatupad ng death penalty, madalas ang napapatawan niyan ‘yung mahihirap nating mga kababayan at hindi ‘yung mga may kaya na kayang magbayad ng abogado at minsan ng huwes pa.”

 

Same-Sex Marriage – AGAINST

“Hindi pa napapanahon ‘yan sa ating bansa. Maaring dumating ang panahon na mapayagan ‘yan pero sa ngayon, hindi… sa pananaw ko lang hindi pa napapanahon at hindi pa handa ang Pilipino at kultura natin na tanggapin yun”

 

Total Gun Ban – AGAINST

“Mas pabor ako sa gun regulation, stricter gun regulation at pag-update ng ating makalumang gun regulation laws. Hindi ako naniniwala sa total gun ban dahil kung titingnan mo rin yung baril na ginamit dun sa stray bullet kay Stephanie hindi lisensyadong baril yun. Yung baril na ginamit sa Cavite, hindi rin lisensyado yun. Ang mangyayari kapag may total gun ban ka, yung mga malakas ang loob at walang pakialam sa batas sila na lamang ang magdadala ng baril.”

 

***

 

politi-koWho among the 33 senatorial candidates matches your views best? Politi-ko.com can help you find out. (From the makers of Rollcall.ph)

Leave a reply

Please enter your comment!
Please enter your name here