Know Their Stand: Lito David, Senatorial Candidate

david20130317Elections are coming. If you are a voter, you should know who you are voting for and where they stand, especially when it comes to issues of secularism. Here are senatorial candidate Lito Davids responses on nine important issues, based on GMA News’ Mga Isyu ng Bayan.

 

Reproductive Health – AGAINST

“Ang pangunahing layunin naman ng RH Law ay paigtingin ‘yung sexual education. Bakit? Para bumenta ‘yung contraceptives. Pera-pera lang ‘yan. ‘Pag na-imbibe na ng ating mga kabataan ‘yung contraceptive mentality, papasok na dyan ‘yung legalization ng abortion.”

 

Sin Tax – FOR

“Tama lang naman ‘yung sin tax law. Ang sa akin lang, ang problema ng pamahalaan, gusto niyang patayin ‘yung industriya but at the same time, pinagkukunan din niya ng kanyang revenues. Ano ba talaga ang gusto mo, protektahan ang kalusugan ng mamamayan, o pagkakitaan mo?”

 

Cybercrime – FOR

“We need to have regulations ‘pag dating dyan sa paggamit ng Internet. It doesn’t have to be very stringent, hindi naman kailangang very heavy ang penalties. Kailangan lang i-regulate.”

 

Freedom of Information – FOR

“Maraming nangyayari sa pamahalaan dahil marami tayong mga bagay na hindi alam. Kung meron tayong Freedom of Information Law, kahit sino pang maliit na mamamayan, pwede niyang itanong, saan niyo ba ginagastos ‘tong pera namin?”

 

Anti-Political Dynasty – FOR

“Ang punto ay hindi kung mabuti o masama ang isang political dynasty. Kung may paggalang ka sa iyong sarili at kapwa, malinaw sa konstitusyon na ipinagbabawal na ito, even in the absence of an enabling law. Alam mo ‘yung spirit ng konstitusyon. Mahiya ka naman kumbaga.”

 

Divorce — AGAINST

“Pinapadali mo ‘yung paghihiwalay ng mga mag-asawa eh. Hindi naman ‘yun ang sagot sa problema ng pamilya.”

 

Death Penalty – AGAINST

“Walang karapatan ang estado na kumitil ng buhay ng kahit na sino, matindi man ‘yung krimen na nagawa ng isang tao. This has something to do with our faith.”

 

Same-Sex Marriage – AGAINST

“It’s against natural law. Ang lalaki, ang mapapangasawa niya ay babae, at sila’y mag-aanak at dadami ang sangkatauhan. ‘Yan ang naturang batas at hindi kailanman nagkaroon sa natural law na pwede ‘yung parehong babae, parehong lalaki… Walang pamilya! Hindi naman ‘yan magkakaanak.”

 

Total Gun Ban – FOR

“I-regulate maigi ‘yung use of firearms. Dapat ma-limit sa law enforcement agencies. Hindi namin sinasabing ipagbawal ang pagmamay-ari ng baril. I-regulate lang ‘yung permit to carry at hindi dapat dalhin ito sa pampublikong lugar.”

 

***

 

politi-koWho among the 33 senatorial candidates matches your views best? Politi-ko.com can help you find out. (From the makers of Rollcall.ph)

Leave a reply

Please enter your comment!
Please enter your name here