Filipino Freethinkers demands a shift in the president’s priorities. The State of the Nation Address (SONA) should have been about our country’s most pressing issues, particularly, the COVID-19 response, prioritizing citizens’ welfare. Instead, Duterte seems to think the SONA is a pulpit for baseless grandstanding, patent misinformation, and petty politicking, replacing public concern with personal vendettas.
The government’s poor response to COVID-19 leaves thousands dead, millions jobless and hungry, our healthcare system exhausted and the economy collapsed. Yet the president chose to trivialize his government’s poor response, saying “no nation on earth was really prepared for COVID.” He also chose to stubbornly push his favored unscientific and unethical stances, such as the “war on drugs,” pushing for the death penalty, and threatening citizens with violence. He further showed his authoritarian tendencies when he expressed a desire to control and even own public utilities, saying in conclusion that these “belongs to government.”
He mentioned data privacy and security, wanting to be seen as “responsible stewards of data.” He also assured people of peace, promising to go after criminals. While all of these seem good, how can we trust his government? While wielding military and police power, he himself has admitted the presence of corruption. He has not addressed or made concrete plans to address anomalies with the government distribution of aid. He prioritized the Anti-Terrorism Act that enables warrantless arrests while raising various privacy concerns.
All the issues he’s chosen to prioritize has left little room to talk about COVID-19, and this was perhaps by design: There is very little in terms of helpful information, let alone a plan that can assure citizens that we’re in good hands. We condemn the president’s choice to wait for a vaccine before enforcing measures that other countries have shown to be effective.
We also find his seemingly blind trust for China in stark contradiction with his equally irrational fear of them. Are we supposed to have faith that their vaccines will save us, or perpetually fear that their missiles could kill us?
The SONA wasn’t completely void of more promising elements. If implemented properly, priority bills and new departments could make positive change happen. It remains our duty as citizens to stay informed and vigilant. We need to keep track of how such programs are implemented, ensuring, for instance, that important posts are not used as political payment. Let us continue holding our government and elected officials accountable.
We deserve leaders who can deliver better SONAs, and more importantly, back it up with good governance. We need to educate, engage, and vote to make this happen.
Ang Tugon ng Freethinkers sa 2020 SONA: Kailangang Magbago ng Prayoridad ang Pangulo
Ang Filipino Freethinkers ay nananawagan para sa pagbabago ng prayoridad ng pangulo. Ang State of the Nation Address (SONA) ay tungkol dapat sa mga napapanahong isyu ng ating bayan, tulad na lang ng pangangasiwa ng pamahalaan sa pandemyang COVID-19 at pagtugon sa kapakanan ng bawat mamamayan. Sa halip, tila ginamit ni Duterte ang SONA bilang pulpito upang magpahayag ng maling impormasyon, mamulitika, at tuluyang ituon ang atensiyon ng lahat sa kanyang mga personal na hinanakit imbis na sa mga tunay na isyu ng bayan.
Ang kalunos-lunos na pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 ay nagbunga ng libo-libong kamatayan, sanlaksang kagutuman at kawalan ng trabaho, paghihingalo ng sistemang pangkalusugan, at tuluyang pagbagsak ng ekonomiya ng ating bansa. Gayumpaman, pinili ng pangulong ipagsawalang-bahala ang mabagal at sablay na pagkilos ng pamahalaan sa pagsabing “walang bansa sa mundo ang handa para sa COVID.” Nagmatigas din siya sa pagsusulong ng mga polisiyang taliwas sa agham at etika, tulad ng “war on drugs,” “death penalty,” at ang patuloy na pagbabanta ng dahas sa mga mamamayan. Pinakita rin niya ang kaniyang astang diktador nang sinabi niyang gusto niyang angkinin at kontrolin ang mga public utilities dahil pagmamay-ari naman daw ang mga ito ng pamahalaan.
Nabanggit niya ang tungkol sa data privacy at security na tila gustong ibanderang ang pamahalaan ay responsableng tagapangalaga ng mga datos. Nangako rin siya ng kapayapaan, na patuloy niyang hahabulin ang mga kriminal. Bagaman tila mabuti ang mga ito, paano natin mapagkakatiwalaan ang pamahalaan? Gayong nasa kamay niya ang buong lakas ng militar at kapulisan, siya mismo ang umamin na may katiwalian. Ni wala pa siyang kongkretong aksiyon upang matugunan ang mga anomalya sa pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan. Binigyang-prayoridad pa niya ang Anti-Terrorism Act na nagpahintulot sa pag-aresto nang walang warrant at nagbunga ng mga isyung may kaugnayan sa privacy.
Ang lahat ng isyu na pinili niyang bigyan ng prayoridad ay nag-iwan ng maliit na espasyo upang matalakay ang COVID-19, at marahil ito mismo ang kanilang plano: limitahan ang impormasyong makatutulong at makapagpapapanatag sa mga mamamayan sa panahong ito. Mariin naming kinokondena ang pagpili ng pangulo na maghintay na lamang ng vaccine bago magpatupad ng mga solusyong napatunayang mabisa sa ibang bansa.
Nakikita rin namin ang kaniyang bulag na pagtitiwala sa Tsina bilang kontradiksyon ng kaniyang labis na takot sa kanila. Dapat ba tayong manalig na ang kanilang vaccine ang magliligtas sa atin, o matakot na ang kanilang armamento ang pupuksa sa atin?
Ang SONA ay hindi rin naman kinapos sa mabubuting elemento. Kung maipatutupad nang maayos, ang mga priority bills at bagong departamento ay maaaring magdulot ng mga positibong pagbabago. Nananatiling tungkulin nating mga mamamayan ang maging maalam at mulat. Kailangan nating tutukan ang implementasyon ng mga programa ng pamahalaan, at, halimbawa, siguraduhing ang mga puwesto ay hindi gagamitin para sa politikal na pagbabayad-utang. Ipagpatuloy nating siguraduhing ginagampanan ng mga hinalal nating opisyal ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Nararapat lang na mayroon tayong pinunong makapagbibigay ng maayos na SONA, at higit pa rito, kaya itong tapatan ng mabuting pamamahala. Kailangan nating makialam, makilahok, at bumoto upang ito’y maganap.